nalilito pagdating sa pagkilala
kung sino ang KAIBIGAN O KASAMAHAN.
Hindi purke kasabay o nakakasalo
mo sa hapagkainan ibig sabihin nito
KAIBIGAN mo na.
Masakit mang isipin pero kung minsan
kadugo mo na nga pero hindi mo
pa masabing aabot sa level ng PAGKAIBIGAN
ang trato sa iyo.
Mahirap malaman kung KAIBIGAN
mo nga ang isang taong madalas
mong nakakasama dahil ang basehan
ng KAIBIGAN at KAKILALA ay halos
katiting lang ang puwang.
KAKILALA
Ang mga taong nasa catergory
na KAKILALA ay mga taong
pinakikisamahan o nakikisama
sa iyo, maaring alam mo kung
sino ang mga kamag-anak niya,
saan nakatira, mga personal na
problema at matagal na panahon
na kayong MAGKAKILALA. Pero ganun
pa man may mga taong kahit gaano mo
na sila katagal KAKILALA ay hindi
mo sila MAPAGKATIWALAAN, siguro
dahil hindi sila yung mga tipo mo
na PAGKAKATIWALAAN o talagang
hindi pa siguro panahon para
ibigay mo ang iyong TIWALA sa kanila.
pag dating naman sa KAIBIGAN
Ito yung mga taong nasubukan mo
ng PAGKATIWALAAN at naging positibo
sa iyo o sa inyo ang naging resulta.
May mga sitwasyon na yung pinaka
KAIBIGAN natin ay kakaunti lang
ang ating nalalaman patungkol sa
kanilang personal na buhay pero ang
samahan ninyo ay malalim kung kaya
nasa category kayo ng MAG-KAIBIGAN.
TIWALA
Ang tiwalang hindi nasayang
ay isang sinyales na may
mabubuo o magtitibay na
samahan o relasyon. Ngunit tandaan
na ang taong nagampanan ang iyong
tiwala noon ay “maaring” sumablay ngayon…
O di kaya ay hindi sa lahat ng bagay
ay pwede mo siyang mapagkatiwalaan…
Sa usapang TIWALA dito minsan nagkakaroon
ng maraming question at di pagkakaintindihan
ang mga MAGKAKAIBIGAN na talaga.
Nagkakaroon ng tampuhan
kapag nalaman ng isa mong kaibigan bakit
hindi sa kanya ipinagkatiwala yung isang
bagay at manapa dun pa ipinagkatiwala
sa isa ninyong kaibigan na hindi naman
gaano malapit sa inyo.
Kung dumating man sa iyo ang sitwasyon
na ito ay isipin mo
na maaring hindi pa panahon para
malaman o akuin ang responsibilidad na iyon
may mga pagkakataon sa buhay na mas mainam
na wala tayong alam.
PAANO MALAMAN KUNG MAY KAIBIGAN KA NGA?
Sino sa mga nakakasama mo ngayon ang
mapapagkatiwalaan mo pag dating sa PERA?
Sino sa mga kasama mo ngayon na kumportable
ka na iwanan sa kanila saglit ang iyong anak?
Sino sa mga kasama mo ngayon ang pwedeng
magpahiram sa iyo ng P 160,000?
Ilan lang ito sa mga simpleng tanung para
mabilisang masukat kung sino sa mga kasama mo
ang may potensyal na iyong maging kaibigan.
Ngayon kung walang pumasa sa mga kasama mo
ngayon kahit sa isa sa mga tanung na ito ay huwag kang
maalarma… Hindi ka masamang tao o walang problema
sa iyo. Ganun lang talaga ang buhay. Ituring mo
na maswerte ka ngayon at naliwanagan ka na
kung tutusin wala ka palang maituturing na kaibigan
sa mga kasama mo ngayon ng sa gayon hindi masayang
ang oras mo na umasang may kaibigan ka.
Bago mo itanung kung papaano magkaroon ng totoong
kaibigan ay tanungin mo muna ang sarili mo na
bakit mo ba kelangan ng “totoong” kaibigan?
Kasi para lang iyang tanung sa pakikipag-relasyon
o pag-aasawa. Bago mo itanung papaano makahanap
ng mapapangasawa ay tanunging mo muna sarili mo
bakit gusto mo na magka-asawa? Gusto mo ba kasi sa
sex, companionship o gusto mo na magkapamilya?
Sa pagkakaroon ng mga kaibgan o totoong kaibigan
eh ano ang inaasahan mo na mangyayari o magbabago
sa buhay mo? Baka naman kung tutuusin ay sapat na
sa iyo yung magkaroon ka ng mga kakilala lang.
Walang masama sa pakikipagkaibigan, pero tandaan
mo na “nakikipagkaibigan” ka palang at walang
kasiguraduhan sa ngayon kung “MAGKAIBIGAN” na nga
ba kayo, kumbaga nasa processo palang kayo kaya
wag ka masyado umasa… Minsan kasi bugso ng damdamin
akala mo ayos na kayo pero bago iyon subukan mo
munang sagutin ang mga tanung sa itaas at kung
positive ang sagot mo sa itaas ay malaki-laki
ang lamang na pwede na nga siguro
matawag kayo na magkaibigan pero uulitin ko
na magdahan-dahan…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento