Init ng isang relasyon. (Kaibigan/Taong Minamahal)
Yung init ng pagkakaibigan o kaya ng pagmamahalan eh sa una
lang mainit yan. At ang sumunod na buwan at taon, yun ang challenge sa inyong
samahan. Dito mapapatunayan kung kaya niyo bang diskartehan o pormahan ang
problema niyo.
Dito masusukat kung gaano ka importante ang isat-isa. May
mga kaibigan diyan sa una lang magaling at kapag nakuha na ang minimithing pabor
maari kang iwan niyan. At kung sa pag-ibig naman madalas na nanliligaw ang
ibang kalalakihan dahil katawan lang ang gusto, o kaya naman may iba pang
gustong kunin sayo. Napakahirap na magtiwala sa mundong ito ngayon, para bang
kailangan mo lagi ng mag papayo sayo para sigurado ka sa gusto mo. Pero hindi
ba’t masarap kung mag dedesisyon ka sa sarili mo? Yung desisyon na kailangan mo
na bang bitawan ang isang kaibigan? O kaya ang iyong minamahal?
Napakaraming tanong ang hindi pa nasasagot ng karamihan. Nandiyan
ang
Bakit niya ko iniwan?
Minahal niya ba ako talaga?
Gaano niya minahal yung pinagpalit niya sa akin?
May nagawa ba akong mali?
Ilan sa mga tanong na maaring alam natin ang sagot pero
pinagtatakpan lang natin ito dahil gusto nating malinis ang pangalan sa taong
nakakausap mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento